^

Metro

Metro Manila nasa ‘low risk’ na sa COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila nasa �low risk� na sa COVID-19
Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Bureau, na nailagay sa low risk ang NCR dahil sa pagbaba ng 23 porsyento sa mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo habang bumaba na rin sa 5.7 ang ADAR (average daily attack rate).
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naibaba na sa ‘low risk classification’ ang National Capital Region (NCR) base sa mga datos at trend ng COVID-19 sa rehiyon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Bureau, na nailagay sa low risk ang NCR dahil sa pagbaba ng 23 porsyento sa mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo habang bumaba na rin sa 5.7 ang ADAR (average daily attack rate).

Sa pagitan ng Hunyo 16-22, nakapagtala ng 685 na daily average ng kaso ng COVID-19 na mas mababa sa 825 average cases sa pagitan ng Hunyo 9-15.

Malaki ang ibinaba ng bagong datos sa 5,534 daily average mula Marso 29 hanggang Abril 4 sa kasagsagan ng peak ng COVID-19 cases na daan para ideklara muli ang ‘enhanced community quarantine’ sa NCR.

Makaraan na pumatag ang mga kaso, unti-unting bumababa na umano ito ngayon at kailangang mapanatili sa mga susunod na linggo, ayon kay De Guzman.

Samantala, inilagay sa ‘high-risk’ naman ang CARAGA, Regions 6 (Western Visayas), 11 (Davao Region, at 12 (Soccsksargen).

Nagtala ng 27% pagtaas sa mga bagong kaso sa CARAGA, 41% sa Western Visayas, 53% sa Davao Region, at 33% sa Soccsksargen.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with