^

Metro

Mass vaccination, isinagawa sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mass vaccination, isinagawa sa Caloocan
Sa abiso ng Caloocan City government, nabibigyan ng unang dose ng bakuna ang mga nasa A1, A2, A3, at A4 priority groups at ang pangalawang dose ng Sinovac vaccine.
AFP/Dibyangshu Sarkar

MANILA, Philippines — Isinagawa kahapon sa Caloocan City ang mass vaccination laban sa CO­VID-19.

Sa abiso ng Caloocan City government, nabibigyan ng unang dose ng bakuna ang mga nasa A1, A2, A3, at A4 priority groups at ang pangalawang dose ng Sinovac vaccine.

Nabatid na binuksan sa publiko ang Zabarte Mall, Metro Plaza Bagong Silang, Deparo Elementary School, Camres 123 Covered Court, Hacco covered court, Camarin Area D Elementary School,Victory Covered court, Pag-asa Elementary School at Kalayaan Elementary School.

Sa ulat ng LGU, umabot na sa higit 272,208 ang kabuuang bilang ng nabakunahan ng unang dose sa lungsod.

Nasa 50,498 naman ang naturukan ng ikalawang dose, habang 322,706 ang kabuuang bilang ng bakunang naiturok na sa mga mamamayan.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with