5 minors na ginagamit na ‘courier’ ng droga, nasagip
MANILA, Philippines — Limang menor-de-edad na ginagamit na “courier” ng illegal drugs sa isinagawang buy-bust operation, sa Pasay City, Martes ng gabi.
Samantala, inihahanda na ang reklamong ihahain sa Pasay City Prosecutor’s Office laban kay alyas Boss Chotong’,19, na nasa drug watchlist at residente ng Pasay City habang ang mga menor-de-edad na pawang mga babae ay inilipat ng kustodya sang Pasay Social Welfare and Development.
Sinabi ni Pasay City Police chief, P/Colonel Cesar Paday-os, na nakipagkita sa nangpanggap na buyer ng shabu ang suspek sa Tramo, Riverside kung saan nagpalitan ng bayad ng ilegal na droga.
Nang maaresto nadatnan sa loob ng silid ng suspek ang limang menor-de edad na sinasabing ginagamit nito sa pagdedeliber ng ilegal na droga.
Hindi naman binanggit ang pagkilanlan ng mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 17.
Nasa 25 gramo o katumbas P170, 000.000 street value ang nasamsam na illegal drugs sa suspect.
- Latest