^

Metro

Wattah, wattah Festival sa San Juan wala pa ring basaan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pa ring basaan na magaganap sa idaraos na “Wattah Wattah” Festival o ang pista ni San Juan Bautista ngayong taon sa San Juan City dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ito na ang ikalawang taon na walang basaang magaganap sa naturang pista, na dati ay tradisyon at siyang highlight ng pagdiriwang.

Batay sa Executive Order 84 na inisyu ni San Juan City Mayor Francis Zamora, ba­wal ang basaan at pagsasaboy ng tubig sa okasyon.

Ayon sa alkalde, sa halip na nakasanayang basaan, “Basbasan sa makabagong San Juan” ang isasagawa sa pista.

“Hindi muna tayo magdiriwang ng basaan para hindi makadagdag sa bilang ng COVID-19 cases sa lungsod,” ani Zamora.

Nabatid na magkakaroon ng basbasan sa Pinaglabanan Church.

Pagkatapos nito ay ipaparada ang imahe sa isang nakatalagang ruta.

Mahigpit ding ipinagbabawal na sundan ng mga deboto ang imahe at sa halip ay inabisuhan na lamang silang manatili sa loob ng bahay o sa tapat ng bahay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with