^

Metro

Tsinoy arestado sa ‘bakuna for sale’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tsinoy arestado sa �bakuna for sale�
Kinilala ni MPD-Special Mayor’s Reaction Team chief, PLtCol Rosalino Ibay Jr. ang nadakip na si James Chua, 35, negosyante at nakatira sa Molino, Bacoor, Cavite. Nadakip si Chua sa may Cuneta Avenue corner F.B. Harrison Street, Pasay City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang Filipino-Chinese na itinuturong sangkot sa modus na ‘vaccination slot for sale’ makaraang inguso siya ng kaniyang tauhan, kamakailan sa Pasay City.

Kinilala ni MPD-Special Mayor’s Reaction Team chief, PLtCol Rosalino Ibay Jr. ang nadakip na si James Chua, 35, negosyante at nakatira sa   Molino, Bacoor, Cavite.
Nadakip si Chua sa may Cuneta Avenue corner F.B. Harrison Street, Pasay City.

Sa ulat, isang entrapment operation ang ikinasa ng pulisya makaraang humingi ng tulong ang Office of the Secretary to the Mayor-Manila ukol sa impormasyon na natanggap na ‘vaccination slots’ na ibinibenta sa pamamagitan ng online.

Dito nadakip ang delivery/pick-up rider na si Reckham Salubre nang kunin nito ang pera sa isang remittance center na nakapangalan kay Chua.

Ayon kay Salubre, siya ang inuutusan ng kaniyang amo na mag-pick-up ng pera buhat sa mga Chinese national na nakatira sa Binondo, Maynila. Hindi umano niya alam na bayad ito para sa iniaalok na ‘vaccination slots’.

Nakipagtulungan naman si Salubre sa mga pulis na mu­ling nagkasa ng operasyon.  Nagtungo sa kanilang opisina si Salubre at inabot ang pera kay Chua dahilan para dakpin ito ng mga pulis. Sinampahan na ng kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code (Fraudelent Representation) at Manila City Ordinance 8740 na nagbabawal sa ilegal na pagbebenta ng COVID-19 vaccine, laban kay Chua.

Sa kabila nito, hindi naman binanggit ng pulisya kung may kasabwat ang suspek sa ginagawang pag-aalok ng ‘vaccine slot’.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with