‘Population protection’ sa Metro Manila maaabot sa Nobyembre
MANILA, Philippines — Tiwala si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na maaabot ang ‘population protection’ sa National Capital Region (NCR) pagsapit ng buwan ng Nobyembre.
“Ang population protection is you protect the first 3: medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities. Siguro kaya ito bago mag-November. Kayang-kaya po ng Metro Manila mayors ito,” ayon kay Abalos.
Sinabi niya na nasa 200,000 doses na kada araw ang naibibigay na bakuna sa Kamaynilaan na lagpas sa target 120,000.
Bukod dito, patuloy naman ang pagtatag ng ‘healthcare utilization’ habang pababa ang mga kasong naitatala.
Pinalakas na rin ang contact tracing sa paggamit sa 5,000 sa 15,000 contact tracers buhat sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Upang maabot naman ang ‘herd immunity’, target ng pamahalaan na mabakunahan ang 58 milyong Pilipino ngayong taon.
- Latest