^

Metro

Pinakamataas na parangal ng COA, tinanggap ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pinakamataas na parangal ng COA, tinanggap ni Mayor Joy
Tinanggap ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pinakamataas na ­parangal buhat sa COA, na kauna-unahan sa kasaysayan ng lungsod.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, tinanggap ng  Quezon City government ang pinakamataas na rating award buhat sa Commission on Audit (COA) sa kanilang audit report sa taong 2020.Ang ‘unqualified opinion’ ang pinakamataas na audit opinion na ­ibinibigay ng COA sa mga government agency kabilang ang local government unit.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte na ang ganitong rekognisyon ay patunay lamang ng kanyang layon na maayos na pamamahala.

Nagpasalamat din siya sa COA at sa mga tanggapan sa ilalim ng local government unit sa pagtatamo ng pinakamataas na antas ng parangal sa gitna ng nagaganap na pandemic.

“Ito ang pinakamahalagang rekognis­yon na tinatanggap ng LGU.Ito ang ­aming adhikain at isang magandang simula dahil nakamit natin ito sa kauna-unahang pagkakataon”, dagdag pa ni Belmonte.

Iniabot mismo ni COA Resident  Auditor sa Quezon City Atty. Rex Quieta kay Mayor Belmonte ang annual audit report. Sinabi nitong nakatugon ang QC sa standard ng government’s auditing firm.“This is important because it signifies that the financial records and financial statements of Quezon City comply with the high standards, rules and regulations,” pahayag ni Atty. Quieta.

Sa ilalim ng Belmonte administration, ang QC  government  ay nagpatupad ng mga batas sa nagpapahusay ng transpa­rency at serbisyo.

“Thank you to everyone involved in this achievement and may this inspire us to sustain the standards of good governance in the city in the next years or so,”sabi pa ni Mayor Belmonte.       

 

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with