^

Metro

P58 milyong shabu nasamsam: 5 arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P58 milyong shabu nasamsam: 5 arestado
Dito nasabat ang tinatayang 8.533 kilos ng shabu na nakalagay sa 74 na small plastic sachet, tatlong big plastic sachet at pitong knot tied plastic sachet. Nagkakahalaga ang ilegal na droga ng kabuuang P58,024,400.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aabot sa P58 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kasama ang iba pang  ahensya ng pamahalaan sa isang joint buy-bust ­operation sa Imus, Cavite nitong nakaraang Sabado.

Iprinisinta kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno ang limang nadakip na suspek na kinilalang si Tamano Daud, alyas Tam, 41; Ismael Daud, alyas Intsik, 24; Norma Maguid, alyas Sandra, 36; Bainor Maguid, alyas Bai, 23; at Omar Redia, 42-anyos.

Sa ulat ng MPD, dakong alas-10:15 nitong Sabado nang gabi nang magkasa ng operasyon sa may Tansui Street, Sara Subdivision, Brgy. Bayan Luma III, Imus, Cavite ang mga tauhan ng MPD-Drug Enforcement Unit kasama ang mga operatiba ng Cavite Provincial Police Office at Imus Municipal Police Station sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dito nasabat ang tinatayang 8.533 kilos ng shabu na nakalagay sa 74 na small plastic sachet, tatlong big plastic sachet at pitong knot tied plastic sachet. Nagkakahalaga ang ilegal na droga ng kabuuang P58,024,400.

Bukod dito, nakum­piska rin sa mga suspek ang 10 pirasong P1,000 bills na ginamit na marked mo­ney kasama ng 40 pang P1,000 boodle money, isang Glock 9mm pistol, isang caliber 45 pistol, mga bala at drug paraphernalia.

Ibinunyag ni MPD Director BGen Leo Francisco na mga miyembro ng ‘Tamano Drug Group’ ang mga nadakip na suspek na nagpapakalat ng ilegal na droga hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa kalapit na lalawigan ng Rizal. Sangkot din sila sa notoryus na drug suspek na si Montessir Sabal, dating alkalde ng bayan ng Talitay sa Mindanao at nasawi kamakailan nang mabaril ng mga pulis nang mang-agaw umano ng baril sa Quezon City. — Maria Cristina Timbang

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with