^

Metro

23 kilo illegal drugs, nasabat sa Malate

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agencies, ang may 23 kilo ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang dayuhan, nang maghain ng search warrant sa isang condominium tower sa Malate, Manila kahapon ng hapon.

Nakilala ang nadakip na si Zhizun Chen, 38, at residente ng 168 Tower 2 Soler St., Binondo, Manila.

Batay sa ulat ng PDEA, dakong ala-1:00 ng hapon nang isagawa nang isilbi ang search warrant sa Slot 64 3rd Floor, Royal Plaza Twin Towers, Remedios St., Malate.Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad sa naturang lugar kaya’t kumuha ng search warrant.

Kaagad namang ­inaresto ang suspek matapos na makakumpiska ng 23 kilo ng hinihinalang shabu sa lugar, na may street value na P156 milyon.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nadakip.

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with