^

Metro

Novo Ecijano, instant milyonaryo sa Lotto 6/42

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Novo Ecijano, instant milyonaryo sa Lotto 6/42
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 23 - 02 - 31 - 20 - 06 – 28 ng Regular Lotto 6/42 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na eksaktong P15,445,170.20.
STAR/File

MANILA, Philippines — Instant milyonaryo ang isang Novo Ecijano matapos na mapagwagian ang tumataginting na P15 milyong jackpot prize sa Regular Lotto 6/42 na binola ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma,  nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 23 - 02 - 31 - 20 - 06 – 28 ng Regular Lotto 6/42 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na eksaktong P15,445,170.20.

Nabili umano ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket sa isang lotto outlet mula sa San Jose City, Nueva Ecija.

Pinayuhan naman ni Garma ang lucky bettor na upang makubra ang kanyang panalo ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang valid ID at ang kanyang lucky ticket.

Ang Regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

 

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with