^

Metro

Private armed groups aktibo na naman, PNP nakatutok

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na nagiging aktibong muli ang mga private armed groups (PAGs) sa bansa dahil sa 2022 elections kaya pinatututukan niya ito sa mga ground forces.

Ang pahayag ni PNP chief ay may kaugnayan sa pagkakasabat ng mga high powered firearms at mga bala sa grupo ni dating Mayor ng Talitay, Maguindanao na si Montazir Sabal na napatay matapos umanong manlaban.

Ayon kay Eleazar, kahit malayo pa ang halalan kailangan nilang maging one step ahead, gagawa na sila ng hakbang para itong mga PAGs ay hindi mamamayagpag lalo na sa panahon ng kampanya.

Sinabi ni Eleazar na kanila nang inaalam kung sino ang supplier ng mga armas ni Sabal na kaniyang ibinibenta sa tero­ristang BIFF. Iniimbestigahan na rin ng PNP kung ang mga nakumpiskang mga armas ay gagamitin sa nalalapit na halalan.

May listahan na rin ang PNP ng mga PAGs na nagiging aktibo sa tuwing may halalan.

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with