3 wanted sa Malabon, Caloocan arestado
MANILA, Philippines — Nasakote ng mga awtoridad ang tatlong wanted sa batas kabilang ang dalawang babae sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Caloocan at Malabon, Biyernes ng gabi.
Sinabi ni Malabon City Police Chief P/Col. Albert Barot , dakong alas-10:10 ng gabi nang magsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted person ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Langaray St., Brgy. Longos.
Naaresto sa operasyon si Raymond Cerbito, 23, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Antonia Linsangan Largoza-Cantero Presiding Judge ng RTC Branch 291, Malabon City dahil sa kasong murder ..
Bandang alas-10 naman ng gabi nang masakote rin ng mga operatiba ng WSS si Cynance Boyence, 49, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Lynna Pacamalan Adviento, Presiding Judge ng RTC Sevent Judicial Region, Branch 58, Cebu City para sa kasong grave threat .
Sa isa pang operasyon, timbog din ng mga operatiba ng WSS sa Area 3, Kaunlaran Village, Brgy. 20, Caloocan City si Bernaditha Cahilig, 73, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano, Presiding Judge, Metropolitan Trial Court, Branch 55, Malabon City para sa kasong estafa.
- Latest