^

Metro

Bagong COVID-19 field hospital sa Maynila, bubuksan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bagong COVID-19 field hospital sa Maynila, bubuksan
Manila COVID-19 Field Hospital.
The STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Wala nang ‘honeymoon period’ para sa mga doktor, nars at iba pang hospital personnel dahil sasabak na agad sila sa pukpukang trabaho sa unang araw na pagbubukas ng Manila COVID-19 Field Hospital (MCFH)  sa Hunyo 24, kasabay ng ika-450 Founding Anniversay ng Maynila.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na  nasa 127 personnel na  bagong hire ay agad na ring sumailalim sa training upang ihanda sa kakaharaping mahirap at mapanganib na gawain.

Asahan na aniya, ng mga bagong hospital personnel at medical healthcare workers ang pagtanggap sa may 100 pasyente sa unang araw ng kanilang trabaho.

“First thing in the morning, expect that about 100 patients will come to you.  Giyera kaagad, wala nang ho­neymoon stage so you will have to adapt, learn fast and  think fast,” ani Moreno.

Pinasalamatan ni Moreno sina  city engineer Armand Andres, city architect Pepito Balmoris at city electrician Randy Sadac, na natapos kaagad ang pagtatayo ng MCFH sa loob ng 52 araw, na mas maaga ng 8 araw sa ibinigay niyang deadline.

Aniya pa,ang pagtatayo ng MCFH ay upang mabawasan ang pagsisiksikan ng city-run hospitals para sa mild at moderate cases ng COVID-19 at matutukan ang mas seryosong mga kaso bukod sa COVID patients.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with