2 timbog sa endangered forest product
MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos magbenta ng endangered forest product na Agarwood.
Sinabi ni NBI Officer-in-Charge Eric B. Distor na dinakip ng mga tauhan ng NBI-Environmental Crime Division (NBI-EnCD), ang mga suspek na sina Nathaniel Avelino at Mark Gil Espino sa Quezon City.
Nag-ugat ang impormasyon nang makatanggap ng tip ang NBI-EnCD hinggil sa ilegal na gawain ng isang grupo na sangkot sa pagbebenta ng Agarwood at isang alyas Jerry na tinukoy na may presyong P150,000.00 kada kilo ng nasabing forest product.
Matapos ang beripikasyon ay nakipagtransaksiyon ang NBI sa grupo at isang Mark ang nakausap para sa 17 kilo ng Agarwood.
Matapos magkaabutan ng marked money ay doon na dinakip ang mga suspect.
Nakapiit na sa NBI detention facility ang dalawa na may kinakaharap na reklamong paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines ,(as amended) at Section 27(e) at (f) of Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act).
- Latest