^

Metro

PAGCOR Multi-Purpose Evacuation Center sa Metro Manila, itatayo sa Caloocan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magandang balita!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang  Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay magtatayo ng P50 milyon two-storey Multi-Purpose Evacuation Center  sa Metro Manila na ito ay sa lungsod ng Caloocan.

Ito’y upang matulungan ang lungsod sa panahon ng tag-ulan na karaniwan na rin ang pagtama ng mga bagyo.

Samantala, nagpasalamat naman  si Mayor Oscar  Malapitan sa pagpili ng PAGCOR sa lungsod para maging benepisyaryo nang kapaki-pakinabang at napapanahong proyekto. 

“Mapalad po ang lungsod ng Caloocan sapagkat tiyak na makatutulong ito sa ating Disaster Management and Rescue Operations na siyang magsisilbing ligtas na kanlungan ng ating mga mamamayan sa oras ng pangangailangan,”  pahayag ni Mayor Oca.

Ayon sa alkalde ang Disaster Management and Rescue Operations sa kaniyang binibigyan prayoridad simula manungkulan bilang alkalde ng Caloocan, kabilang na rito ang pagtatag ng 24/7 command center, pagpapatayo ng Rescue Building at pagbili ng mga kagamitan para sa rescue operations.

“Sa ngalan po ng pamahalaang lungsod ng Caloocan, nagpapasalamat po kami sa PAGCOR sa pagpili sa aming lungsod bilang kauna-unahang siyudad sa NCR na pagtatayuan ng napakagandang proyektong ito. Asahan po ninyo na ito ay ating pahahalagahan at gagamitin para sa kapakanan ng mga taga-Caloocan,” ayon pa sa alkalde.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with