^

Metro

‘Spiderman’ nagpabakuna sa Marikina

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Spiderman� nagpabakuna sa Marikina
Maging ordinar-yong mamamayan o maging su­perheroes nanga­ngailangan ng proteksyon laban sa virus ngayong panahon ng pandemya. Pinagkaguluhan si ‘Spiderman’ nang magpabakuna ito sa Marikina City.
Facebook Photos: Alfred Dizon- Spidey at Justine Rain Go

MANILA, Philippines — Agaw-pansin ang isang lalaki na nakasuot ng Spiderman costume nang magpabakuna kahapon sa Marikina City kontra COVID-19.

Ang lalaki na nakilalang si Alfred Dizon ay inakala ng mga vaccine staff na nagbibiro lamang, pero nang pumila para sa bakuna habang nakasuot ng Spiderman costume ay inisistihan naman at nabakunahan nang maipakita  ang vaccination card.

Si Dizon ay nag-viral sa social media nang isang Justine Rain Go na andun sa lugar ay kumuha ng video nang dumating ang una sa vaccination site na nakasuot ng Spiderman costume hanggang sa  magpabakuna.

Sa kanyang panig, sinabi ni Dizon na sinad­ya niyang magsuot ng ganitong costume upang mahikayat ang mga tao na makapag-pabakuna laban sa Covid-19 upang maprotektahan ang mga sarili laban sa virus.

“With great power comes great responsibi-lity,” sabi ni Dizon na ang pahayag na ito ay hango naman sa isang linya sa pelikulang Spiderman  noong 2012.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with