^

Metro

21 luxury at sports car, winasak ng BOC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
21 luxury at sports car, winasak ng BOC
Nabatid na aabot sa P58.55 milyon ang kabuuang halaga ng mga winasak na mga sasakyan na nasabat sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Winasak ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 21 mga luxury at sports cars na iligal na ipinasok sa bansa ng mga smuggler, kahapon sa Port of Manila at Cagayan de Oro.

Nabatid na aabot sa P58.55 milyon ang kabuuang halaga ng mga winasak na mga sasakyan na nasabat sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Pitong behikulo na nasabat sa Port of Manila at Port of Subic ang sinira sa BOC, Port Area, Maynila. Kabilang dito ang isang bagong McLaren 620R, isang used Hyundai Genesis, isang used Bentley 2007, isang used Porsche 911 C2S, isang used Mercedes-Benz from MICP, isang used Lotus at isang used Toyota Solara.

May 14 na used Mitsubi-shi Jeeps rin ang sinira sa Baloy, Brgy. Tablon, Cagayan de Oro.

Ang mga behikulo ay ipinasok sa bansa mula 2018 hanggang 2020 ng iba’t ibang mga consignees. 

Ito ang ikalawang pagwasak sa mga kumpiskadong sasakyan ng BOC ngayong taon. Unang nagsagawa silang condemnation noong Pebrero 9, 2021 kung kailan sinira nila ang nasa 17 mga sasakyan.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with