5 Chinese, Pinoy timbog sa kidnap
MANILA, Philippines — Naaresto ng pulisya ang limang Chinese nationals at isang Pinoy na sangkot sa tangkang pagkidnap sa isa ring Chinese sa Parañaque kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Li Yang, Zhou Hao, Liu Jie Yong, Zhang Jia Hao, Qui You Bo, at ang kanilang Pinoy driver na si Nelson Malavega.
Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tinangka umanong dukutin ng mga suspek ang 23-anyos na Chinese na biktima na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Brgy. Tambo bandang 1:40 ng hapon.
Nagkaroon pa umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga suspek at biktima bago ito puwersahang hatakin papasok sa Toyota Hi-Ace van.
Dahil sa komosyon, nakuha nito ang atensyon ng isang hotel security personnel na agad na nagreport sa insidente sa Sub Station 2 ng Parañaque City Police Station. Agad na naharang ng mga rumespondeng pulis ang sinasakyan ng mga suspek.
“We are also grateful for the immediate response of our community to rescue the victim and prevent him from possible harm at the hands of these kidnappers. In line with our cleanliness in the community under the Intensified Cleanliness Policy, our police have joined the community to clean up and suppress crime for the good of our country,” ani PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.
Nasa kostudiya na ng Parañaque City Police Station ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. Danilo Garcia)
- Latest