_ngayon
^
Mahigit P2 milyong shabu nakumpiska sa 2 drug suspect sa Taguig
Kinilala ni National Ca-pital Region Police Office Regional Director P/Major General Vicen­te Danao Jr, ang suspek na si Halima Macalunas, ayas Halima, 48; at Ponggo Pagayao, 20.
STAR/File

Mahigit P2 milyong shabu nakumpiska sa 2 drug suspect sa Taguig

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasamsam ang tinata-yang P2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang target sa isinagawang buy-bust operation, sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni National Ca-pital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/Major General Vicen­te Danao Jr, ang suspek na si Halima Macalunas, ayas Halima, 48; at Ponggo Pagayao, 20.

Natunton ang mga suspect sa may Cagayan de Oro St., Brgy. Maharlika, Taguig City, dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa.

Batay sa isinumiteng ulat sa Regional Headquarters, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng NPD sa pangunguna ni P/Major Amor Cerillo, matapos ang intelligence operation laban sa pakay na mga suspek na dinayo pa sa Taguig.

Nasa 6 na malaking plas-tik ng shabu ang narekober, at P65,000.00 na boodle money at isang authentic P1,000 bill.

Ang nasamsam na shabu ay may timbang na 300 gramo na may street value na nagkakahalaga ng mahigit sa P2 milyon.

Ipinagharap na ng rekla­mong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Taguig Prosecutor’s Office.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with