_ngayon
^

Caloocan LGU iginawad ang Safety Seal sa SM City Sangandaan

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginawad ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa SM City Sangandaan ang kauna-unahang Safety Seal Certification para sa mga pribadong establisimyento sa lungsod na sumusunod sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan, kabilang na rito ang paggamit ng StaySafe.PH App na siyang itinalagang opisyal na contact tracing app sa bansa.

Bilang kinatawan ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan, pinangunahan ito ni City Administrator Engr. Oliver Hernandez, kasama sina DTI Undersecretary Ireneo Vismonte, DILG NCR Regional Director Maria Lourdes Agustin, DILG Caloocan Director Marco Cabueños, Caloocan Business Permit and Licen-sing Office head Atty. Cho Vergara, Caloocan PNP chief Col. Samuel Mina, BFP Caloocan Chief Inspector Bernard Batnag Jr. at SM Malls Assistant VP for Operations North 5 and 6 Ms. Ana Datu.

Sa binasa ni Hernandez na mensahe ng alkalde, sinabi nito na mahalaga ang Safety Seal sa isang esta­blisimyento upang maging kumpiyansa ang mga tao na ligtas ang lugar dahil naipatutupad ang safety protocols.

Muli rin ipinaabot ni Malapitan ang pasasalamat niya sa pamunuan ng SM Center Sangandaan na isang regular mass vaccination site sa lungsod.

“Sa ganitong panahon, kailangan po natin magtulungan upang maibigay sa ating mamamayan ang ligtas na kapaligiran nang sa gayon ay kahit paunti-unti ay makabangon ang ating ekonomiya at bumalik tayo sa normal na sitwasyon tulad ng dati,” pahayag ng alkalde.

Para sa pampublikong establisimyento na nais mag-apply para sa Safety Seal Certification, maaaring mag-online application sa website na ito: safetyseal.ncr.dilg.gov.ph.

SM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with