^

Metro

4 na nagbebenta online ng remdesivir, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
4 na nagbebenta online ng remdesivir, timbog
Nabatid na nagkasa ng operasyon ang NBI dahil sa ulat ng lantarang bentahan ng remdesivir sa internet. Pinapayagan lamang ang pagbenta sa mga doktor o pagamutan na may Compassionate Special Permit (CSP) buhat sa FDA at hindi maaa­ring ibenta sa labas.
AFP/Belga/Dirk Waem

MANILA, Philippines — Apat katao ang dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na napag-alamang sangkot sa mga online selling ng gamot na remdesivir na ginagamit sa mga pasyente na may malalang COVID-19 ng walang kaukulang permit sa Food and Drugs Administration (FDA).

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang mga nadakip na sina Maria Christina Manaig, dating pharmacist; Christopher Boydon; Philip Bales; at Bernard Tommy Bunyi.

Nabatid na nagkasa ng operasyon ang NBI dahil sa ulat ng lantarang bentahan ng remdesivir sa internet.  Pinapayagan lamang ang pagbenta sa mga doktor o pagamutan na may Compassionate Special Permit (CSP) buhat sa FDA at hindi maaa­ring ibenta sa labas.

Dito nagawa ng mga tauhan ng NBI-Special Task Force na makipag-ugnayan sa mga online seller na natagpuan nilang nagbebenta ng naturang gamot.  Umorder sila sa dalawang seller ng tig-isang vial na nagkakahalaga ng P4,500 at P5,000.

Nagkasa ng entrapment operation ang NBI na nag­resulta sa pagkakadakip kina Manaig, Boydon at Bales sa West Avenue, ­Quezon City at kay Bunyi naman sa may Timog, Quezon City.

Aabot sa P1.8 milyong halaga ng remdesivir ang nasabat sa dalawang operasyon habang nahulihan din si Boydon ng dalawang baril.  Ayon kay Manaig, halos 500 vials ng naturang gamot ang naibebenta umano niya kada linggo.

Nahaharap ngayon ang apat na suspek sa mga kasong paglabag sa R.A. 9711  o “Food Administration Act of 2009” at R.A. 5921 o ang “Philippine Pharmacy Act” sa Quezon City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with