Pulis na ‘fixer’ ng PNP applicants, sinibak na sa serbisyo
MANILA, Philippines — Sinibak na sa serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang ambulance-driver ng PNP Health Service na nahuling nagingikil sa mga aplikante sa pagka-pulis.
Sumailalim sa dismissal proceedings ng kalahating buwan at napatunayang nagkasala si Staff Sgt. Joel Zalun Bunagan.
Matatandaan na inaresto si Bunagan ng mga operatiba ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group sa isang entrapment operation sa Barangay 175 Camarin, Caloocan City noong May 31.
Nanghihingi umano ito ng ?100,000 mula sa Police applicant kapalit ng pag-aayos ng medical requirements para makapasok sa PNP.
Bukod sa pagka-dismiss sa serbisyo, nahaharap din si Bunagan sa mga kasong kriminal sa korte tulad ng paglabag sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Act of 2018 at Republic Act 3019 or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Binalaan naman ni Eleazar ang mga posibleng kasabwat ni Bunagan at iba pang tauhan ng PNP na sangkot sa ganitong klaseng ilegal na aktibidad.
Aniya, hindi siya titigil hanggang hindi natatanggal sa serbisyo ang mga sumisira sa PNP.
- Latest