^

Metro

Bebot na driver na-trap sa sasakyan, sinagip ng 2 rider

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang babae na na-trapped sa loob ng kanyang naaksidenteng sasakyan ang sinagip ng mga motorcycle riders na nakasaksi sa aksidente sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na muna tinukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na kaagad namang naisugod sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Batay sa ulat ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD), bago maghatinggabi nang maganap ang aksidente sa Commonwealth Avenue.

Sa pahayag ng isa sa mga saksi na si Prince Fuentes, rider, nag-U-turn ang babae na sakay ng isang puting AUV ngunit bumangga ito sa mga concrete barrier sa lugar at dalawang ulit pang umikot ang behikulo.

Dahil sa lakas nang pagkakabangga, wasak ang harapan ng sasakyan at nabasag ang windshield nito, habang nagtumbahan ang mga concrete barrier.

Kaagad namang dinaluhan ni Fuentes at nang isa pang rider, na hindi na nakuha ang pangalan ang biktima na na-trapped sa loob ng sasakyan at kumakatok at humihingi ng tulong.

Gumamit umano ng malalaking bato ang mga rider upang basagin ang salamin ng sasakyan sa passenger side upang kaagad na mailabas ang biktima, sa pangambang ma-suffocate ito dahil umuusok na umano ang sasakyan dahil sa aksidente.

Kaagad rin namang dumating ang mga imbestigador at rescue team sa lugar at dinala ang biktima sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Aminado naman umano ang biktima na nakainom siya nang maganap ang aksidente dahil kagagaling lamang nito sa isang birthday party.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with