^

Metro

Dagdag na 285K doses ng COVID-19 vaccine natanggap ng Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Dagdag na 285K doses ng COVID-19 vaccine natanggap ng Quezon City
Ito ang masayang ibinalita ni Mayor Joy Belmonte kasunod ng pagtitiyak na mas maraming residente ng lungsod ang mabibigyan ng bakuna.
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — Natanggap na ng lokal na pamahalan ng  Quezon City  ang karagdagang 285,000 doses ng bakuna mula sa National Government.

Ito ang masayang ibinalita ni  Mayor Joy Belmonte kasunod ng pagtitiyak na mas maraming residente ng lungsod ang mabibigyan ng bakuna.

Dahil dito, magpapatuloy ang pagbabakuna sa pamamagitan ng barangay-assisted booking, online booking, drive thru vaccination, homeowners association vaccination, QCProtekTODO bus, at partnership na mga pribadong kumpanya.

Humingi naman ng pang unawa  sa mga taga-lungsod si Belmonte sa  mga oras na nahihirapan silang magpalista o mag-book sa eZConsult app para sa schedule ng bakuna dahil sa  dumara­ming nagpaparehistro online para makakuha ng slot sa pagbabakuna.

Nakapagtala naman ang QC Government ng  26,000  nabakunahan kahapon, pinakamalaking bilang sa kasaysayan ng pagbabakuna sa bansa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with