^

Metro

Bangkay natagpuan sa nasunog na cargo vessel

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bangkay natagpuan sa nasunog na cargo vessel
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Comm. Armand Balilo, wala pang pagkakakilanlan sa bangkay ngunit inaalam kung siya ang crew na nawawala sa kasagsagan ng sunog.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang bangkay ang natagpuan makaraang lumutang malapit sa bahagi ng dagat kung saan nasunog ang isang cargo vessel sa Delpan Wharf sa Tondo, Maynila, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) kahapon.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Comm. Armand Balilo, wala pang pagkakakilanlan sa bangkay ngunit inaalam kung siya ang crew na nawawala sa kasagsagan ng sunog.

Matatandaan na Sabado nang masunog ang barko habang nakadaong sa pier.  Nasa anim ang sugatan habang nawawala ang isang pasahero na inisyal na kinilalang si Edmund Palanca, nakasuot ng pulang t-shirt, maong na panalon at nasa 50-anyos ang edad.

Ayon sa PCG, nagpapakarga ng langis ang vessel bago bumiyahe patungong Palawan nang biglang makarinig ng malakas na pagsabog ang kapitan nito.

Nadamay sa sunog ang nasa 100 bahay sa gilid ng dagat makaraang anurin ang mga nasusunog na drum ng krudo at umabot sa mga bahay na gawa sa light materials.

Nagsagawa ang PCG ng sampling sa tubig para masuri ang epekto ng sunog habang naglatag din ng absorbent pads para masala ang makakapal na ‘oil sheens’ na tumapon sa bahagi kung saan lumubog ang barko.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with