_ngayon
^
No. 6 drug personality, kasabwat arestado sa buy-bust ops sa Quezon City
Ayon kay PLt. Col. Jeffrey Bilaro, Station Commander ng Holy Spirit Police Station (PS 14) ng Quezon City Police District, ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Gilberto Yumul, 50, ng 9 San Roque Compound, Brgy. Pasong Tamo, Qac; at ang kanyang kasabwat na si Victor Dazal, 46, ng 129 Pingkian II, Brgy. Pasong Tamo, QC.
STAR/File

No. 6 drug personality, kasabwat arestado sa buy-bust ops sa Quezon City

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang itinuturing na no. 6 station-level drug personality at ang kanyang kasabwat sa isang buy-bust operation sa Brgy. Pasong Tamo, ­Quezon City, kahapon.

Ayon kay PLt. Col. Jeffrey Bilaro, Station Commander ng Holy Spirit Police Station (PS 14) ng Quezon City Police District (QCPD), ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Gilberto Yumul, 50, ng 9 San Roque Compound, Brgy. Pasong Tamo, Qac; at ang kanyang kasabwat na si Victor Dazal, 46, ng 129 Pingkian II, Brgy. Pasong Tamo, QC.

Nakatanggap ng tip ang mga awtoridad mula sa isang infor­mant hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya agad nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Isang undercover cop ang umaktong buyer at ng makabili ng P3,200 shabu mula sa mga suspek ay kaagad inaresto ang mga ito.

Nakumpiska rito ang pitong pakete ng shabu, na tumitimbang ng 13 gramo at may Dange­rous Drugs Board (DDB) value na P88,400 at buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

BUY BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with