_ngayon
^
P38 milyong smuggled cigarettes nakumpiska ng Customs
Ayon sa BOC, ang shipment na naglalaman ng 1,090 master cases ng sigarilyo, na may iba’t ibang brands gaya ng Marvel, Mighty, at Astro, ay naka-consigned sa Green Nature Alliance Ventures.
Philstar.com/File Photo

P38 milyong smuggled cigarettes nakumpiska ng Customs

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa P38.1 milyong halaga ng mga puslit na sigarilyo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) sa isang operasyon na ikinasa noong Biyernes, bilang bahagi pa rin ng pagpapaigting nila sa kanilang anti-smuggling campaign.

Ayon sa BOC, ang shipment na naglalaman ng 1,090 master cases ng sigarilyo, na may iba’t ibang brands gaya ng Marvel, Mighty, at Astro, ay naka-consigned sa Green Nature Alliance Ventures.

Sinabi ni Alvin Enciso, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), na ang naturang shipment ay isinailalim nila sa 100% physical examination matapos na isyuhan ng pre-lodgment control order (PLCO) ni MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales.

Snimulan ng BOC ang implementasyon ng PLCO simula ng manungkulan si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Matapos ang eksaminasyon, isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang inisyu laban sa shipment.

Ang MICP, na nananatiling nasa forefront ng border security sa bansa, ay nananatiling committed sa pagsusumikap ng Customs’ chief na mapatigil na ang pagpasok ng mga smuggled goods, kasabay ng pangakong higit pang palalakasin ang intelligence at enforcement efforts sa mga pantalan.

BOC CIGARETTES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with