_ngayon
^

Multa sa traffic violations ng drivers sagot ng operators, NCAP paiigtingin

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Responsibilidad ng mga operator ng public utility vehicles ang pagbabayad ng multa ng kanilang mga drivers sa sandaling nagkaroon ito ng traffic violations.

Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Chief for Operations Wilson Chan, hindi dapat na ipasa ng operator sa driver ang multa dahil malinaw na nakasaad sa Civil Code na ang “common carriers” o operators ng PUVs ang may pananagutan sa kilos at ugali ng kanyang driver.

Aniya, dapat alamin ng operators ang background, behavior ng driver at kung may sapat itong kaalaman sa traffic rules bago ipamaneho ang kanyang taxi o pampasaherong jeep.

Paliwanag ni Chan, ngayong ipinatutupad sa Maynila ang No Contact Apprehension Policy (NCAP), maraming PUVs ang posibleng lumabag sa batas at mapapadalhan ng Notice of Violation (NVO).

Sabi ni Chan, simula nang ipatupad ang NCAP sa Maynila, nabawasan ang korupsiyon at bumilis ang daloy ng trapiko. Sa NCAP makikita ang violation ng driver kahit pa tinted ang loob ng sasakyan.

Binigyan diin naman ni Atty. Jun Batonghinog, ng Manila City Legal Office na pinaiiral ng NCAP ang pagiging disiplinado ng motorista na pangunahing solusyon upang maiwasan ang aksidente at paglabag sa traffic rules.

Giit ni Batonghinog, maging ang US, at Singapore na mga mauunlad na bansa ay nagpapatupad na ng NCAP.

Naniniwala si Batonghinog na panahon na upang ipatupad ng ibang lungsod ang NCAP dahil patuloy ang pagdami ng mga sasakyan sa lansangan at hirap sa pagmamando ng daloy ng trapiko.

TRAFFIC VIOLATOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with