_ngayon
^

Misis tinodas, ibinaon ng ‘lover’ sa basement ng bahay

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang misis ang pinatay muna at ibinaon sa semento sa basement ng kanyang bahay, bago tuluyang pinagnakawan ng umano’y kanyang ‘lover,’ sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ma. Theresa Caballero, 50, residente ng 84 Fil-Heights Ave., Filinvest II, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Sugatan naman ang anak ng biktima na si Theffanie, 22, habang nasagip ng mga awtoridad ang 3-taong gulang niyang anak.

Sa naantalang ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), naaresto na nila ang suspek na si Emmanuel De Guia, 33, ng No. 44 Juan Luna St., Bgy. Parang, Marikina City, habang tinutugis pa ang kasabwat sa krimen na si Nelbert Agrasada Saz.

Sa imbestigasyon, alas-2 ng madaling araw noong Hunyo 9 nang pasukin ni De Guia at Saz ang tahanan ng mga biktima at pinagsasaksak si Ma. Theresa at saka ibinaon ang bangkay nito sa semento sa basement ng bahay.

Hindi pa nasiyahan, pinagsasaksak din ng mga suspek si Theffanie at saka nilimas ang mga salapi, alahas at mga mamahaling gamit ng mga biktima.

Tinangay pa ng mga suspek ang anak ni Theffanie ng makita nilang umiiyak ang bata. Bagama’t nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Theffanie ay nakahingi ito ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay.

Sa pagresponde ang mga awtoridad ay natagpuan at hinukay ang bangkay ng ginang sa basement.

Sa manhunt operation ang mga operatiba ng CIDU, QCPD Police Station 13 at Marikina Police ay naaresto si De Guia sa kanyang tahanan, habang ligtas na nasagip ang dinukot na paslit.

Narekober din ng mga awtoridad sa tahanan ng suspek ang mga ninakaw nila sa biktima, gayundin ang Toyota Fortuner ni Ma. Theresa, na ginamit ng mga ito sa pagtakas.Inamin ni De Guia na may relasyon sila ni Ma. Theresa at iginiit na pagnanakaw lamang aniya ang motibo sa insidente.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with