_ngayon
^
Kaso vs whistleblower sa bentahan ng bakuna, binawi ng PNP
Ang pagbawi ng kaso laban sa unang inakusahang ikatlong suspect na si Ellaine Dizon-Cabrera, founder at Chief Executive Officer (CEO) ng isang lokal na make-up brand na Colourette Cosmetics na umano’y sangkot sa pagbebenta ng COVID-19 vaccination slots ay iniutos nitong Sabado ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.
Boy Santos, file

Kaso vs whistleblower sa bentahan ng bakuna, binawi ng PNP

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binawi na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang kaso laban sa isang negosyanteng  whistleblower na inakusahang nasa likod ng pagbebenta ng COVID-19 vaccination slot sa lungsod ng Mandaluyong.

Ang pagbawi ng kaso laban sa unang inakusahang ikatlong suspect na si Ellaine Dizon-Cabrera, founder at Chief Executive Officer (CEO) ng isang lokal na make-up brand na Colourette Cosmetics na umano’y sangkot sa pagbebenta ng COVID-19 vaccination slots ay iniutos nitong Sabado ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

“After a thorough review of the cases that were filed against those involved in the vaccine/vaccine slot for sale, our legal team came up with the conclusion that Ms. Nina Ellaine Dizon-Cabrera should not have been inclu­ded in the criminal complaint based on the appreciation of the pieces of evidence on hand,” pahayag ni Eleazar.

Sinabi ni Eleazar na ipinag-utos na rin niya sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na bawiin ang kaso laban kay Cabrera na isinampa sa Mandaluyong City Prosecutors Office sa lalong madaling panahon.

Gayunman, nilinaw naman ng PNP Chief na nanatili ang kaso laban sa dalawa pang suspect na sina  Cyle Cedric Bonifacio at Melvin Gutierrez .

Sina Cabrera, Bonifacio at Gutierrez ay una nang sinampahan ng mga kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code , paglabag sa Republic Act (RA) 11032 o ang Anti-Red Tape Law of 2007  at paglabag sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Eleazar ang pagsibak sa puwesto kay P/Lt. Col. Arnold Molete, Chief ng CIDG Eastern Metro Manila Unit sanhi ng ‘lapse in judgement’ at command responsibility sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

“Let this serve as a reminder to all our personnel that if you are assigned to do a task, always make sure that you do your best, and do it right,” dagdag pa ni Eleazar.

Magugunita na pinalagan ni Cabrera ang pagsasama sa kaniya bilang suspect sa kaso gayong nag-post lamang umano siya sa social media sa nadiskubreng bentahan ng COVID-19 slot kung saan nagulantang siya ng mabatid na isinama siya sa mga suspect na kinasuhan.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with