_ngayon
^
2 kilo ng marijuana, samsam sa 2 minors
Batay sa ulat ng PS-1, nabatid na dakong alas-12:30 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Jose, Quezon City.
Miguel de Guzman, file

2 kilo ng marijuana, samsam sa 2 minors

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang menor-de-edad ang nakum­piskahan ng dalawang kilong marijuana sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga pulis sa Quezon City kamakalawa.

Ayon kay Lt.Col. Romulus Gadaoni, Station Commander ng La Loma Police Station 1 (PS 1) ng Quezon City Police District (QCPD), ang dalawang minors ay nagkakaedad lamang ng 16 at 17-anyos.

Batay sa ulat ng PS-1, nabatid na dakong alas-12:30 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Jose, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap ang mga pulis ng tip mula sa isang regular confidential informant hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga nasabing menor-de-edad.

Kaagad naman silang nagkasa ng buy-bust operation kung saan isang poseur buyer ang bumili ng P15,500 halaga ng marijuana mula sa mga ito.

Nang magkaabutan ng marijuana at marked money ay kaagad nang inaresto ng mga nakaantabay na pulis ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa kanila ang dalawang bricks nang pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng dalawang kilo ng marijuana na P240,000, dalawang cellular phones, at ang buy-bust money.

Ang mga menor-de-edad ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at nakatakdang dalhin sa Quezon City Social Services Development Department para sa proper intervention.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with