_ngayon
^
LRT-2, magpapatupad ng 11-araw na limitadong biyahe
Batay sa inilabas na abiso ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA), magtatagal ang implementasyon ng naturang limitadong biyahe sa loob ng 11-araw o simula kahapon, Hunyo 12 hanggang sa Hun­yo 22.
The STAR/Miguel de Guzman

LRT-2, magpapatupad ng 11-araw na limitadong biyahe

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng limitadong biyahe ng kanilang mga tren sa loob ng 11-araw, bilang paghahanda sa nalalapit nang pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project ngayong buwan.

Batay sa inilabas na abiso ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA), magtatagal ang implementasyon ng naturang limitadong biyahe sa loob ng 11-araw o simula kahapon, Hunyo 12 hanggang sa Hun­yo 22.

Sa ilalim ng naturang limited operation, bibiyahe lamang ang mga tren ng LRT-2, mula sa Recto Avenue Station sa Maynila hanggang sa Cubao Station sa Quezon City at pabalik.

“Pansamantalang ma­lilimitahan ang biyahe ng mga tren ng LRT-2 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project. Mula sa Recto hanggang Cubao station (at pabalik) lang ang biyahe. Ipapatupad ito simula ika-12 hanggang ika-22 ng Hunyo 2021,” paabiso ng LRTA.

Nangangahulugan anila ito na sarado rin muna o walang biyahe ang tatlong istasyon nito na kinabibilangan ng Anonas Station, Katipunan Station at Santolan Station hanggang sa Hunyo 22.

Kaugnay nito, naglabas din ng temporary operations schedule ang LRTA para sa mga araw na may limitadong operasyon lamang ang kanilang mga tren.

Ayon sa LRTA, ang unang biyahe ng tren mula sa Ara­neta Center-Cubao Station at Recto Station ay aalis ng 5:00AM habang ang last trip naman sa Araneta Center-Cubao Station ay 8:30PM habang 9:00PM naman ang huling biyahe mula sa Recto Station.

Matatandaang nitong nakalipas na mga buwan, nagkasa ng integration test ng signaling system ang LRT-2 mula Recto hanggang sa mga bagong istasyon nito sa Marikina at Antipolo, na bahagi ng East Extension Project ng rail line.

Inaasahang bubuksan na ang dalawang istason sa ikatlong linggo ng buwang ito.

LRT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with