_ngayon
^
Cargo vessel nasunog: 1 nawawala, 6 sugatan
Sa Facebook post, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na bago mag-alas 9:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa M/V Titan 8 na sinaklolohan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umabot sa ika-5 alarma.
STAR/ File

Cargo vessel nasunog: 1 nawawala, 6 sugatan

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa ang nawawala habang anim na tripulante ang nasaktan nang masunog at sumabog ang isang cargo vessel na nakadaong sa pantalan ng Delpan, kahapon.

Sa Facebook post, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na bago mag-alas 9:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa M/V Titan 8 na sinaklolohan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umabot sa ika-5 alarma.

Isang pasaherong lalaki na pauwi umano sa Palawan, na kinilalang si Edmund Palanca ang hindi pa matagpuan. Inilarawan siya sa suot na light red t-shirt, maong na pantalon, nasa 50-anyos, may taas na 5’7, kaya nanawagan ang PCG na sakaling may makakita ay ipagbigay-alam agad sa kanila.

Nagpadala rin kaagad ng medical team ang PCG para gamutin ang mga nasaktang tripulante ng dalawang barko.

Kumilos din ang PCG para tulungan ang mga residente ng Del Pan Bridge.

Sa tuluyang pagkalat ng apoy, may ilang bahay pa ang nadamay sa sunog sa Barangay 286 at 275  sa Parola,  Binondo, Maynila.

Ayon sa PCG, pansamantalang nakadaong ang MV Titan para sa refuelling o magkarga ng gasolina bilang paghahanda sa paglalayag patungo sa Palawan nang may marinig na pagsabog.

Nagpakalat na rin ang PCG Marine Environmental Protection Command sa erya ng anim na oil spill boom at 2 aluminum boats na may sakay na rescue divers .

BFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with