_ngayon
^

Kapasidad ng religious activities sa San Juan City, tinaasan sa 50%

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinaasan pa ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang kapasidad ng mga religious activities sa lungsod.

Nabatid na inisyu ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang Executive Order No. 83, series of 2021, upang dagdagan at gawing 50% na ang kapasidad sa mga ‘places of worship’ sa lungsod, gaya ng mga simbahan, chapel, moske at mga prayer halls, gayundin ang mga religious activities.

Ayon kay Zamora, layunin rin nitong isulong pa ang spi­ritual at social well-being ng mga San Juaneños sa gitna ng mga hamon na dala ng COVID-19 pandemic.

“Whereas, it is imperative to increase the seating capacities of churches, chapels, mosques, and other places or areas of worship to promote the spiritual and social well-being of the people of San Juan City especially during this protracted lockdown caused by the COVID-19 pandemic,” bahagi ng natu­rang EO.

Kasabay nito, pinaalalahanan din naman ng alkalde ang mga mamamayan, partikular na ang mga namamahala sa mga religious gathering at ang mga mananampalataya, na istriktong tumalima sa ipinaiiral na minimum public health standards ng pamahalaan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.

Mahigpit din namang ipinagbabawal ng alkalde ang pagkakaroon ng mga ambulant vendors sa bisinidad ng mga naturang places of worship sa panahon ng religious gatherings upang maiwasan ang posibleng pagkukumpulan ng mga tao.

FRANCIS ZAMORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with