_ngayon
^
Ordinansa vs magbebenta ng bakuna, ipinasa sa Malabon
Sa ipinasang City Ordinance No. 13-2021 ng Sangguniang Panlunsod, mahigpit na ipagbabawal ang pagbenta at pagbili ng anumang CO­VID-19 vaccines pati na rin ang slot sa vaccination program.
AFP/Christof Stache

Ordinansa vs magbebenta ng bakuna, ipinasa sa Malabon

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang insidente ng pagbebenta ng COVID-19 vaccines at vaccination slots, nagpasa ang lokal na pamahalaan ng Malabon ng ordinansa upang mapigilan ito.

Sa ipinasang City Ordinance No. 13-2021 ng Sangguniang Panlunsod, mahigpit na ipagbabawal ang pagbenta at pagbili ng anumang CO­VID-19 vaccines pati na rin ang slot sa vaccination program.

Paliwanag ng lokal na pamahalaan, malinaw na paglabag ang mga nabanggit sa ipinapatupad na vaccination rollout ng pamahalaan.

Isa rin aniya itong uri ng pananamantala sa taumbayan lalo pa at malaki ang pangangailangan sa bakuna sa gitna ng pandemya.

Multang ?5,000 at hindi bababa sa anim na buwan na pagkakakulong ang ipapataw sa mga lalabag sa nasabing ordinansa. Maaari namang matanggalan ng lisensya ang mga negosyong mahuhuling sangkot sa ipinagbabawal na transaksyon.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with