_ngayon
^

Metro

Admissions results ng UP, ilalabas sa Hulyo 15

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakda nang ilabas ng University of the Philippines (UP) ang resulta ng kanilang admissions process para sa mga bagong estudyante sa Hulyo 15.

Ayon sa admission office ng unibersidad, kinakailangan lamang ng aplikante na mag-log in sa application portal upang makita ang resulta at kumpirmahin ang kanilang slots hanggang sa Hulyo 30.

Hindi pa naman naglalabas ang UP ng schedule nila para sa susunod na school year, na inaasahang magsisimula sa Setyembre. Matatandaang ang mga aplikante ngayong taon ay hindi dumaan sa UP College Admission Test (UPCAT) matapos itong makansela dahil sa pandemya ng COVID-19.

Sa halip, ang kanilang aplikasyon ay in-assessed sa pamamagitan ng final grades ng mga estudyante mula Grade 8, 9, 10 at unang semestre ng Grade 11.

“Specific degree programs may request for additional requirements to qualify for admission, if deemed necessary,” anang unibersidad sa naunang pahayag.

“To implement the policy of democratic access, UP also considers socioeconomic and geographic factors in its admission process,” dagdag pa nito. Ang UP ay nag-aalok ng mahigit sa 170 programa sa walo nitong constituent universities sa Diliman (na may extension program sa Pampanga), Baguio, Los Baños, Manila (na may Schools of Health Sciences sa Baler, Palo at Koronadal), Visayas (na may campuses sa  Iloilo/Miagao at Tacloban), Cebu, Mindanao at ang Open University. Hindi pa ito naglalabas ng bilang ng aplikante para sa nalalapit na school year.

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with