_ngayon
^
Pulis nabaril ang sarili, patay
Kaagad na binawian ng buhay si PCpl. Higinio Wayan, 31, na nakatalaga sa Kamuning Police Station 10 (PS-10) ng ­Quezon City Police District dahil sa tama ng bala sa dibdib.
STAR/File

Pulis nabaril ang sarili, patay

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang pulis ang patay matapos na umano’y mabaril ang sarili habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa loob ng isang tahanan sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay si PCpl. Higinio Wayan, 31, na nakatalaga sa Kamuning Police Station 10 (PS-10) ng ­Quezon City Police District (QCPD) dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Batay sa ulat, dakong alas-3:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng isang bahay na matatagpuan sa 2nd St., Bitoon Circle, sa Brgy. Commonwealth, kung saan nag-iinuman si Wayan, kasama ang mga kapwa pulis na sina PCpl Sherwin Rebot at PCpl Harold Mendoza, at isang sibilyan na si Lorenzo Lapay.

Sinabi ni Lapay na nagpunta si Rebot sa palikuran at iniwanan sa ibabaw ng mesa ang kanyang Glock Caliber 40.

Gayunman, naisipan umanong kuhanin ni Wayan ang baril at itinutok sa kanyang dibdib saka kinalabit ang gatilyo nito, sanhi upang tamaan siya ng bala at bawian ng buhay.

Ayon naman sa imbestigador na si PSSg Rolando Laddaran, bago ang insidente ay nagkasundo umano ang mga pulis na mag-unload ng kanilang baril dahil mag-iinuman sila.

Maaari aniyang inakala ng biktima na walang bala ang baril ni Rebot kaya ito dinampot at ­itinutok sa kanyang dibdib.

Nagsasagawa naman na ng masusing imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD hinggil sa insidente.

PATAY PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with