_ngayon
^

Metro

95.2% ng COVID-19 cases sa Quezon City, gumaling na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 95.2% o 91,043 ang bilang ng mga pasyente sa ­Quezon City na gumaling na mula sa CO­VID-19.

Batay sa inilabas na datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), hanggang 8am ng Mayo 30, umaabot na sa 95,574 ang total COVID-19 cases sa QC.

Sa naturang bilang, 3,417 na lamang o 3.6% ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa virus.

Samantala, nasa 1,114 ng kabuuang bilang o 1.2% ang sinawimpalad na bawian ng buhay.

Nabatid na dumaraan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa Department of Health (DOH) para masigurong sila ay residente ng QC.

Maaari pa anilang magbago ang naturang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.

Ang mga COVID-19 case updates sa lungsod ay maaaring makita sa website: na COVID-19 WATCH | Quezon City Go­vernment.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with