_ngayon
^

Metro

Mayor Joy: Quezon City, ligtas pa rin sa LGBT community

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy: Quezon City, ligtas pa rin sa LGBT community
“This type of violence has no space in a civilized society where everyone is treated equally and with the utmost respect. I hope that those behind this will be punished to the full extent of the law and rot in jail,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.
The STAR/Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang brutal na pagpatay at panggagahasa sa isang transgender man sa Quezon City noong nakaraang linggo, kasabay nang pagtiyak na ang Quezon City ay ligtas pa rin para sa LGBT community.

“This type of violence has no space in a civilized society where everyone is treated equally and with the utmost respect. I hope that those behind this will be punished to the full extent of the law and rot in jail,” ayon sa alkalde.

Kasabay nito, pinuri ni Belmonte ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa mabilis na pag-aksiyon sa kaso na nagresulta sa pagkakaaresto at pagsasampa ng kaso sa tatlong suspek sa pagpatay at panggagahasa kay Norriebi Tria, 21, alyas Ebeng Mayor na residente ng Batasan Hills.

“As I express my heartfelt condolences to the family and loved ones of Ebeng Mayor, I also want to assure them that we won’t leave no stone unturned until justice is served for the death of their loved one,” ani Belmonte.

Nabatid na ang ­Quezon City ay isa sa mga kauna-unahang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na nag-apruba at nagpatupad ng gender fair ordinance na nagbabawal sa diskriminasyon base sa sexual orientation, gender identity, and expression (SOGIE) at upang protektahan ang kanilang mga karapatan.

Hinikayat pa niya ang LGBT sector na huwag mag-atubiling magsumbong kung nakakaranas sila ng karahasan at ha­rassment. Noong Sabado pa ay nakikipag-ugnayan na ang city government sa pamilya ni Tria at tiniyak na handa silang pagkalooban ang mga ito ng anumang tulong na kanilang kakailanganin.

LGBT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with