_ngayon
^

Top 6 most wanted sa Metro Manila, arestado

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makaraan ang anim na taon na pagtatago, nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na itinuturing na top 6  most wanted sa Metro Manila  sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Bulacan nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang nadakip na si Edrin Aranay, 32, ng  Brgy. Masuso, Pandi, Bulacan.

Sa ulat ng MPD-District Police Intelligence and ­Operations Unit, dakong alas-6 ng Lunes ng gabi nang kanilang arestuhin si Aranay sa kaniyang tinitirahan sa Pandi, Bulacan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder buhat kay Judge Jansen Rodriguez ng Manila Regional Trial Court Branch 6.

Sa rekord, napaslang ni Aranay sa tulong ng kaniyang kapatid ang kapitbahay na si Manuel Villanueva noong Mayo 10, 2015 at nagtago na sa batas.

Isang impormasyon ang nakarating sa pulisya na naninirahan na si Aranay sa Pandi, Bulacan kaya nagsagawa ng isang linggong surveillance operation hanggang sa makumpirma ang kaniyang presensya at nagkasa ng operasyon.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with