_ngayon
^
COVID-19 patients, iba pa naibalik na sa PGH
Ang PGH ang pinakamala­king COVID referral sa bansa.
STAR/File

COVID-19 patients, iba pa naibalik na sa PGH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

Emergency room sarado pa rin

MANILA, Philippines — Bagama’t sarado pa rin kahapon ang emergency room ng Philippine General Hospital makaraan ang sunog unti-unti na namang bumabalik sa normal ang operasyon sa pagamutan kabilang ang pagbabalik sa kanilang silid at wards ang mga pasyente maging ang mga COVID-19 positives.

Ayon ito kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng pagamutan.

“Almost all patients are back to their rooms and wards,” ayon kay del Rosario. “‘Yung mga nailipat sa chapel, sa corridor, ER, halos naibalik na po namin sila lahat.”

Ang hindi pa naibabalik ay ang mga nailipat sa ibang ospital sa Maynila kabilang ang mga pribadong pasyente at mga sanggol.

Tiniyak ni del Rosario na naging maayos ang pagbukod nila sa mga COVID-19 patients sa mga ordinaryong pasyente kahit noong nagsasagawa sila ng evacuation.

Suspendido pa rin ang ‘surgical operations’ dahil sa kailangan pang magsagawa ng imbentaryo sa mga gamit at equipments na nasira ng sunog.

Nakatakda namang magtungo ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Department of Public Works and Highways sa PGH nitong Lunes upang magsagawa ng kumpleto at kumprehensibong pagtataya sa pinsala ng sunog at alamin na rin kung ano ang posibleng pinagmulan ng apoy, na sinasabing nagsimula sa sterilization area ng operating room.

Ang PGH ang pinakamala­king COVID referral sa bansa.  

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with