_ngayon
^
Mayor Isko, ido-donate ang âcorneaâ sa eye bank
Kasabay nito ang pagpirma ni Moreno sa isang ‘donor card’ na naglalaman ng kaniyang pagpayag na ma-harvest ang kaniyang cornea sa oras ng kanilang pagpanaw upang maibigay ito sa karapat-dapat na pasyente.
The STAR/Edd Gumban

Mayor Isko, ido-donate ang ‘cornea’ sa eye bank

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais i-donate ni Manila City Mayor Isko Moreno ang kaniyang cornea sa oras na pumanaw siya na layong hikayatin rin ang publiko na suportahan ang ‘cornea at eye donations’ sa bansa.

Isang ‘memorandum of agreement’ ang pinirmahan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at ng Santa Lucia International Eye Bank of Manila (SLIEB) kahapon para sa inisyatibo na palakasin ang adhikain na maipasa ang mga cornea sa mga indibiduwal na nangangailangan nito.

Kasabay nito ang pagpirma ni Moreno sa isang ‘donor card’ na naglalaman ng kaniyang pagpayag na ma-harvest ang kaniyang cornea sa oras ng kanilang pagpanaw upang maibigay ito sa karapat-dapat na pasyente.

“Sana sumunod na kayo,” ayon kay Moreno. “Wala namang mawawala sa inyo kapag naging eye donor kayo. Ibig sabihin lang ay kung namatay kayo, may makikinabang pa rin sa mga mata ninyo.”

“Napaka-importante maging cornea donor kasi napakaraming tao sa Pilipinas at sa buong mundo na hindi makakakita kung hindi dahil sa transplant,” ayon naman kay Eye Bank Foundation Philippines president Dr. Maria Dominga Padilla.

Sinabi ni Padilla na kailangang maturuan at mamulat ang publiko sa ideya ng pagdo-donate ng kanilang mga mata dahil sa napakaraming Pilipino na walang paningin ang nangangailangan nito.

Nakasaad sa MOA ang buong suporta ng mga district hospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan sa paghikayat sa mga pasyente na pumirma bilang donors ng kanilang mga mata.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with