_ngayon
^
Navotas LGU, DENR at PCG lilinisin ang Manila Bay
Sa Memorandum of Agreement na pinirmahan nina Navotas City Mayor Toby Tiangco kasama ang DENR at PCG, maglalagay ang DENR ng Water Qua­lity Monitoring Equipment sa baybayin ng Brgy. Tanza 1, kung saan regular na imomonitor ang kalidad ng tubig ng Manila Bay.
The STAR/Edd Gumban

Navotas LGU, DENR at PCG lilinisin ang Manila Bay

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakipagkasundo at nakiisa na rin ang Navotas City sa Department of Environment and Natural Resources at Philippine Coast Guard upang mapabuti ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.

Sa Memorandum of Agreement na pinirmahan nina  Navotas City Mayor Toby Tiangco kasama ang  DENR at PCG, maglalagay ang DENR  ng Water Qua­lity Monitoring Equipment sa baybayin ng Brgy. Tanza 1, kung saan regular na imomonitor ang kalidad ng tubig ng Manila Bay.

Ang Navotas LGU at PCG naman ang titiyak sa seguridad at pagbabantay ng WQME upang maiwasan ang pagkasira nito.

Ikinatuwa naman ng alkalde ang nasabing pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno at sinabing nanatiling isa sa prayoridad ang paglinis sa Manila Bay sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya.

Umaasa rin si Tiangco na ang patuloy na pangangalaga sa Manila Bay ay mag­reresulta sa ibayong pagbuti ng kalidad ng tubig kagaya ng dati na ginagamit ang Manila bay bilang pangisdaan, languyan at iba pa.

Magtatagal ang MOA ng sampung taon.

Matatandaang nitong Marso ay natanggap ng lungsod ng Navotas ang parangal na 2020 Most Compliant Local Government Unit sa paglilinis at pangangalaga ng Manila Bay.

MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with