_ngayon
^

Seguridad ng MRT-3, pinaigting pa

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

Dahil sa insidente ng bandalismo

MANILA, Philippines — Pinaigting pa ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang seguridad ng kanilang linya matapos ang bandalismo na naganap sa isa nilang tren kamakailan.

Nabatid na nagsimula na ang guards augmentation at deployment ng patrol car ng security provider ng MRT-3 sa mga istasyon ng Magallanes at Taft bilang bahagi ng pagpapaigting ng seguridad sa linya.

Ayon sa MRT-3, apat na foot patrol guards mula sa Kaizen Security Agency Corp ang naglilibot sa nasabing mga istasyon sa dalawang shifts: mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-11:00 ng gabi para sa unang shift, at mula alas-11:00 ng gabi hanggang sa muling pagbubukas ng operasyon ng MRT-3 kinabukasan para naman sa ikalawang shift.

Samantala, may idineploy rin na patrol car para sa karagdagang seguridad sa area.

Isinasaayos na rin ang perimeter fence sa kahabaan ng linya, ng maintenance provider naman ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP.

Sinabi ng MRT-3 na isinagawa nila ang mga hakbang na ito, bilang bahagi ng mga immediate actions ng security at maintenance providers ng MRT-3 matapos ang insidente ng bandalismo sa isa sa mga tren ng linya noong Mayo 12, 2021.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pamunuan ng MRT-3 hinggil sa nasabing insidente.

 

MRT-3
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with