_ngayon
^

2 tourist site sa , bukas na

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nagbukas ng operasyon kahapon ang mga tourist site sa Intramuros kabilang ang Fort Santiago at Balauarte de San Diego para mapasyalan ng publiko makaraang ibalik sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Sa kabila nito, limitado pa rin ang operasyon ng dalawang tourist site  at mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols kabilang ang physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shields.

Nasa 200 bisita lang ang sabay na makapapasok sa Fort Santiago habang 100 naman sa Balauarte de San Diego.  Bawal din ang mga menor-de-edad at mga nasa 66-taong gulang pataas.

Sabik naman sa pagbubukas ng Intramuros ang mga kutsero at tour guide na nawalan ng pagkakakitaan sa pagsasara ng mga pasyalan.  Umaasa sila na kahit papaano ay magkakaroon ng kita sa pagbabalik ng mga lokal at dayuhang turista.

Sinara ang mga atraksyon noong katapusan ng Marso nang ibalik sa mahigpit na enhanced community quarantine ang Metro Manila bunsod ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

INTRAMUROS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with