_ngayon
^

Caloocan, 100% nang naipamahagi ang P1.3 bilyong ECQ ayuda

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Caloocan City ang 100 porsiyentong pagtatapos ng pamamahagi ng P1,336,190,000 ECQ cash assistance na nagmula sa national government.

Kabuuang 410,053 pamilya ang nakatanggap ng cash assistance sa lungsod. Kabilang sa mga nakatanggap ay ang mga benepisyaryo ng SAP at Bayanihan 2 (363,737 pamilya), Persons with Disabilities (7,958 benepisyaryo), solo parents (1,241 pamilya), Pantawid Pamilyang Pilipino Program members o 4Ps (26,307 pamilya), at TODA/JODA members (6,722 benepisyaryo). Samantala, nasa 4,088 apela naman ang naaprubahan ng Grievance Committee.

Nagpapasalamat si Mayor Oca Malapitan sa lahat ng naging katuwang upang mabilis ang maging distribusyon ng ayudang ito.

Nauna nang sinabi ni Mala­pitan na malaking tulong sa mabilis na pamamahagi ng ayuda sa kabila ng pagiging malaking lungsod ay ang paggamit ng text messaging at iba pang makabagong online digital technology sa scheduling, distribution, at documentation system, na sabay-sabay isinagawa sa barangay mobile caravans, gayundin ang dedikasyon at kakayahan ng mga mag-aaral mula sa University of Caloocan City, na silang nagsilbing paymasters.

 

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with