_ngayon
^
2 suspek sa pagpatay sa 2 bata sa Bulacan, timbog sa Maynila
Nakilala ang pa­ngunahing suspek na si Romeo Ruzon, 41, gumagawa ng walis at ang kanyang 17-anyos na stepson, kapwa residente ng Brgy. Gumaoc East.
STAR/ File

2 suspek sa pagpatay sa 2 bata sa Bulacan, timbog sa Maynila

Doris Franche, Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga otoridad ang isang mister at menor-de-edad niyang anak-anakan na sinasabing responsable sa pagpatay sa dalawang bata sa masukal at bulubunduking bahagi ng siyudad na ito sa Bulacan noong Miyerkules.

Nakilala ang pa­ngunahing suspek na si Romeo Ruzon, 41, gumagawa ng walis at ang kanyang 17-anyos na stepson, kapwa residente ng Brgy. Gumaoc East.

Ang dalawa ang itinuturong suspek sa pagpatay sa mga paslit na sina Lou Anderson Icalia, 8, residente ng Gumaoc East at Jenny De Vera,11, ng Gumaoc West.

Ayon sa pulisya, kumpirmadong ginahasa ang batang si Jenny base sa inilabas na medico legal report ng PNP Crime Laboratory.

Lumalabas sa imbestigasyon na kahoy at bato ang ipinamalo sa ulo ng dalawang biktima na kanilang ikinamatay.

Narekober ng mga pulis ang isang kahoy at bato na may bahid ng dugo sa pinangyarihan ng krimen.

Isang goma rin ang natagpuan sa crime scene na kahalintulad ng materyales sa paggawa ng walis ng suspek na si Ruzon.

Noong Miyerkules ng gabi, Mayo 12 tumakas si Ruzon nang makatunog na magsisiyasat ang mga awtoridad sa kanyang bahay. Sa tulong ng live-in partner ni Ruzon na si Romina Canlas at kapatid niyang si Rafael (Ruzon), natunton ng mga ope­ratiba ng SJDM Police ang pinagtataguan ni Romeo sa Sampaloc, Manila at nadakip.

Umamin umano ang suspek sa kanyang nagawang karumal-dumal na krimen nang komprontahin mismo ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na personal na kinausap ang suspek sa kanyang selda sa SJDM Police.

Matatandaang natagpuan ang dalawang bangkay ng bata na ang isa ay hiinihinalang ginahasa bandang alas-11:40 ng umaga noong Mayo 12 sa bulubundu­king lugar sakop ng Brgy. Graveville ng nasabing lungsod.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with