_ngayon
^
P13.6 milyong shabu nakuha PNP, PDEA nagsanib-pwersa sa buy-bust sa Taguig
Nakuha sa mga suspek ang 2 kilo ng hinihinalang shabu na tinataya sa halagang P13.6 milyon.
Joven Cagande, file

P13.6 milyong shabu nakuha PNP, PDEA nagsanib-pwersa sa buy-bust sa Taguig

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakakumpiska ng tinatayang P13.6 milyong halaga ng shabu ang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa isang buy-bust operation sa Taguig nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni PDEA spokesperson Derrick Carreon,  ang mga naaresto na sina Melanie Capin, 35, ng San Marino Salawag, Dasmariñas, Cavite at Jeffrey Sadiasa, 31, ng Carnation St. T.S. Cruz subd., Las Piñas City.

Nakuha sa mga suspek ang 2 kilo ng hinihinalang shabu na tinataya sa halagang P13.6 milyon.

Narekober din ang 16 na bundle ng “boodle money” na may kasama ng isang analog phone.

Isinagawa ng PDEA-NCR, Southern Police District kasama ang ilang taga-Taguig police ang buy-bust operation sa open parking lot ng isang mall sa FTI Arca South, Taguig City.

Dinala na sa headquarters ng PDEA ang mga suspek habang sinusuri ang nakumpiskang mga pakete upang makumpirma kung shabu nga ang nilalaman nito.

Ginanap ang pagsasanib-puwersa ng PDEA at PNP isang araw matapos muling magkasabay sa isang operasyon kontra droga ang ilang operatiba ng Quezon City Police District at PDEA sa Fairview, QC noong Biyernes.

Matatandaan ding may 2 pulis na nasawi nang magkaroon ng shootout sa pagitan ng mga miyembro ng PNP at PDEA malapit sa mall sa Commonwealth Ave., Quezon City noong Pebrero.— Mer Layson

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with