^

Metro

Ilang sangay ng GSIS sa NCR, open na simula bukas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ilang sangay ng GSIS sa NCR, open na simula bukas
Sa abiso ng GSIS, ang mga tanggapan nito sa Pasay City, Quezon City, Bulacan at Laguna ay bubuksan na uli simula Mayo 17 para magbigay ng serbisyo sa mga miyembro.
BusinessWorld/File

MANILA, Philippines — Balik operasyon na uli sa darating na Lunes ang ilang tanggapan ng Government Service Insurance System (GSIS)  matapos ang ilang buwang hindi pag-ooperate dahil sa COVID- 19.

Sa abiso ng GSIS, ang mga tanggapan nito sa Pasay City, Quezon City, Bulacan at Laguna ay bubuksan na uli  simula Mayo 17  para magbigay ng serbisyo sa mga miyembro.

Ang mga serbisyo ng eCard, cashering at check releasing at issuance ng certicates ang ibibigay ng mga nabanggit na branches.

Ngunit limitado sa apat na oras, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon lamang ang magiging office hour ng naturang mga tanggapan.

Gayunman, ang mga kliyente na naninirahan malapit sa kanilang opisina ay  seserbisyuhan kahit lampas na alas-2.

Ginawa ng GSIS ang pagbubukas ng tanggapan nang maisailalim sa GCQ ang Metro Manila at karatig lalawigan.

Niliwanag din ng GSIS na ang  pagsasagawa ng Annual Pensioners Information Revalidation Interviews ay magiging online pa rin hanggang may pandemic.

vuukle comment

GSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with