^

Metro

LTFRB nagpaalala sa health protocols sa PUVs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LTFRB nagpaalala sa health protocols sa PUVs
Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra na maliit na bagay lamang naman ang kanilang hinihiling sa mga pasahero para sundin ang protocol na ito at tuloy maingatan ang kanilang kalusugan.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Hiniling ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra  sa mga commuters na sundin standard health protocols habang sakay ng mga pampublikong sasakyan para makaiwas sa hawaan ng COVID-19.

Sinabi ni Delgra na maliit na bagay lamang naman ang kanilang hinihiling sa mga pasahero para sundin ang protocol na ito at tuloy maingatan ang kanilang kalusugan.

“Paalala lang po na, that has to be the rule sa pagbabayad ng pamasahe, it should be before or ‘di kaya pagkatapos mo sumakay ibibigay mo diretso sa driver ang pamasahe. Gusto nga natin may one seat apart at malayo. Eh doon naman sa pera magkakahawaan, mahirap naman,” pahayag pa ni Delgra.

Sinabi ni Delgra  na may  80 percent na ng mga passenger vehicles  ang  operational at naghahanap pa ang ahensiya ng dagdag na ruta na bubuksan para sa mas maraming pampublikong sasakyan na makakapasada.

Sa ilalim ng  GCQ  na sinimulang ipatupad kahapon May 15, kaakibat nito ang  ‘heightened restrictions’para  sundin ang health protocols tulad ng  limitadong dami ng sakay sa loob ng sasakyan para mapangalagaan ang publiko sa banta ng COVID- 19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with